Masamang panahon dala ng amihan - PAGASA
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang masamang panahon na nararanasan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ay dulot ng hanging amihan at hindi ng isang bagyo.
Mga bandang 8 ng umaga ay naglabas ng "heavy rainfall" advisory ang PAGASA at sinabing makakaranas ng malakas na pag-ulan ang mga probinsyang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon hanggang bago mangtanghali ng Biyernes.
Makakaranas din ng bahagyang lakas ng pag-ulan ang Metro Manila, Aurora, Bataan, at Bulacan, gayun din sa Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Tarlac.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring bahain ang nakatira sa mabababang lugar.
Ayon kay Adzar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, hanging amihan ang dahilan ng nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at hindi ang bagyong si "Crising" na lumabas na ng Philippine area of responsibility.
- Latest
- Trending