MANILA, Philippines – Tinanggal na ng United Nationalist Alliance sa senatorial lineup nito sia Loren Legarda, Francis “Chiz†Escudero at Grace Poe-Llamanzares.
"The United Nationalist Alliance has decided that it is no longer obligated to include the names of Chiz Escudero, Loren Legarda and Grace Poe-Llamanzares in its list of candidates," pahayag ng campaign manager ng UNA na si Navotas Rep. Toby Tiangco.
Tinanggal ng executive committee ng UNA ang tatlong kandidato dahil sa hindi nila pagtupad sa kanilang mga pangako na pagsuporta sa alyansa.
Tumatakbo rin sa ilalim ng Liberal Party ni Pangulong Benigno Aquino III sina Legarda, Escudero, at Poe.
"We tried our best to accommodate them. We know that the LP, through Sen. Franklin Drilon, has warned them repeatedly about joining our election activities. We have held on to their assurances that they will join us sooner or later," sabi ni Tiangco.
“It is clear that they have made up their minds. We need to move on," dagdag ni Tiangco.
Sa panayam kay Tiangco, sinabi nito na bago maglabas ng desisyon ang UNA ay kinonsulta muna nito ang lahat ng mga miyembro ng koalisyon.
Tiniyak ni Tiangco na hindi maaapektuhan ang kampanya ng UNA sa pagkawala ng tatlong kandidato.
Sina Legarda, Escudero at Llamanzares ay mga guest candidate din sa Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) party na pinangungunahan ni Teodoro "Teddy" Casiño na tumatakbo rin sa pagkasenador.