MANILA, Philippines – Umabot na sa 1,041 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections mula noong Enero 13, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Martes.
Sinabi din ng PNP na sa mga nahuli ay lima ang sundalo, 13 pulis, 14 opisyal ng gobyerno at dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit.
Nasabat din ng mga awtoridad ang 1,009 iba’t ibang armas, 5,047 mga bala, 43 granada, 174 iba pang pampasabog, 261 bladed weapons at 28 gun replicas.
Hindi lamang sa mga checkpoint nahuli ang mga lumabag, ang iba ay sa mga operasyon kontra sa mga pinaghahahanap na tao, sabi ng PNP.