4 patay, 6 nawawala sa gumuhong open pit ng Semirara

MANILA, Philippines - Apat na minero ang nahugot na patay sa isang open pit mine na natabunan matapos ang isang landslide sa Caluya, Antique nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng Semirara Mining Corp. na may 13 manggagawa nila ang nagtatrabaho sa Panian Pit nang maganap ang pagguho bandang 11:55 ng gabi.

Ayon George San Pedro, isang opisyal ng Semirara Mining Corp., na apat ang nahukay na patay mula sa gumuhong open pit nitong Huwebes ng umaga.

Sa hiwalay na ulat ng pulisya, tatlong minero na rin ang nahuhugot na buhay sa gumuhong mining pit.

Patuloy pa ang paghahanap sa anim na minero.

Show comments