^

Balita Ngayon

Kagawad at anak timbog sa buy-bust sa Leyte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang baranggay kagawad at kanyang anak sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Leyte.

Kinilala ang mga suspek na sina kagawad Pio Peñaflor,59, ng Barangay Mag-aso, Jaro, Leyte at 28-anyos na anak nitong si Ylphi.

Base sa ulat, pumayag ang mag-ama na makipagkita sa ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer sa Baranggay Mag-aso bandang 10:25 p.m. noong Pebrero 8 upang ibenta ang isang pakete ng shabu.

Pagkatanggap ng buy-bust money ay kaagad dinakip ang mag-amang Peñaflor ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 8.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay nilusob ng mga awtoridad ang bahay ng mga suspek na ginawang drug den dala ang search warrant at doon ay nasabat ang anim pang pakete ng shabu at iba't ibang drug paraphernalia.

"Besides being an incumbent barangay councilor, the older Peñaflor is also a retired police officer.  He is the Number 7 targeted drug personality for neutralization in Eastern Visayas and owns a drug den," sabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr.

Dagdag ni Cacdac pang-siyam na si Peñaflor na baranggay kagawad na nahuli dahil sa droga mula noong 2012.

ARESTADO

ARTURO CACDAC JR.

BARANGAY MAG

BARANGGAY MAG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EASTERN VISAYAS

LEYTE

PIO PE

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with