Kampo ng NPA sa CamNor nakuha ng Army
MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang sugatan nang mapaengkuwentro ang kanilang tropa sa mga miyembro ng New People’s Army sa Labo, Camarines Norte noong Linggo.
Sinabi ni Lt. Col. Michael Buhat, kumander ng Philippine Army's 49th battalion, nagsasagawa ng security patrol ang kanyang mga tropa bandang 3:15 p.m. nang madiskubre nila ang isang kampo ng mga rebelde.
Nagkaroon ng barilan sa pagitanng dalawang grupo, kung saan nasugatan sina Privates First Class Dexter Debil at Donhel Catangay.
Umatras sa laban ang mga miyembro ng NPA kaya naman nakuha ng mga sundalo ang kampo ng rebeldeng grupo.
Ayon kay Buhat, ang kampo ay “fortified with bunkers†at “equipped with huts and bleachers.â€
Idinagdag pa ng opisyal na nagkalat ang mga patak ng dugo sa kampo, indikasyon na may mga nasugatan sa panig ng mga rebelde.
Sinabi naman ni Col. Richard Lagrana, hepe ng 902nd brigade ng Army, na ideyal ang kampo upang gawing staging area ng mga rebelde upang umatake sa mga sundalo sa lugar.
Iniutos na ni Lagrana ang malawakang pursuit operations laban sa mga nagtakbuhang mga rebelde.
Samantala, natuklasan ng security forces ang NPA logistics cache sa Remedios T. Romualdez, Agusan del Norte noong Linggo.
Sinabi ng hepe ng 42nd civil-military operations company na si First Lieutenant Joe Martinez natagpuan ang cache ng elite forces sa sitio Bato-batohan sa Baranggay San Antonio.
Nakuha mula sa lugar ang tatlong anti-personnel at anti-tank landmines, lalagyan na may 20 litro ng gasoline, dalawang rolyo ng detonationg cord at subversive documents.
- Latest
- Trending