^

Balita Ngayon

3 'civilan agents' tiklo sa gun ban sa NCotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong nagpanggap na “civilian agents” ang hinuli ng mga pulis dahil sa paglabag sa election gun ban noong Martes sa Pikit, North Cotabato.

Ayon kay Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Pikit municipal police, naharang sa checkpoint sina Cyril Abapo, 26; Galileo Hinosa Jr., 35; at 59-anyos na si Danilo Licatan na pawang lulan ng motorsiklo at papuntang lungsod ng Davao mula sa Pigcawayan, North Cotabato.

Nagpakilala ang tatlo bilang civilian agents ng Criminal Investigation Group pero wala namang maipakitang mga papeles at written exemptions para sa election gun ban na sinimulang ipatupad noong Enero 13.

Nakuha mula sa tatlo ang .45 pistola, mga bala at magazine at isang Suzuki na motorsiklo na may plakang YDU 984.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 9588 na pagbabawal na pagdadala ng armas sa labas ng bahay mula Enero hanggang Hunyo ng 2013.

Nakakulong na sa Pikit municipal police office ang mga suspek.

AYON

CHIEF INSPECTOR JORDINE MARIBOJO

COMELEC RESOLUTION

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP

CYRIL ABAPO

DANILO LICATAN

DAVAO

ENERO

GALILEO HINOSA JR.

NORTH COTABATO

PIKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with