^

Balita Ngayon

Opisyales ng Maguindanao, nasiyahan sa 'mock elections'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kuntento ang mga opisyal sa kinalabasan ng “mock elections” sa Maguindanao noong Sabado, pero nais nila ng mas mahigpit na pamamaraan upang hindi masabotahe ang mismong araw ng halalan sa Mayo 13.

Sinabi ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu, siya ring tagapangulo ng provincial peace and order council, ngayong Lunes na dapat ay pagtuunan ng pansin ng Commission on Elections (Comelec) ang “ready availability” ng power generation sets, emergency lamps at communication facilities upang masigurado ang mas maayos na pagdaraos ng halalan sa probinsya.

Nagbigay ng pasadong marka na 8 si Mangudadatu sa ginawang mock elections sa bayan ng Buluan.

Inirekomenda ng gobernador na dapat ay maging mas malapit ang mga magbabantay na puwersa ng military at pulis upang madaling makita ang anumang dayaang maaaring maganap sa mga polling precincts.

Sa naunang utos ng Comelec ay 50 metro dapat ang layo ng mga sundalo at pulis sa mga polling sites.

Natuwa naman ang election supervisor ng Maguindanao na si Atty. Udtog Tago dahil sa kooperasyon ng mga pulis, military, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at ng mga lokal na yunit ng gobyerno sa naging mock elections sa probinsya.

Naging matagumpay aniya ang voting process kabilang ang pagpapadala ng mga resulta mula sa polling sites patungo sa municipal board of canvassers (MBOC). Pero may naging problema sa isang baranggay dahil sa pagkawala ng kuryente.

“Remedy was made by bringing the counting machine to the MBOC. In all, the automated counting turned to be reliable, free from any human interventions or undue manipulations. We are thankful to the provincial government of Maguindanao for supporting the conduct of the exercise,” sabi ni Tago.

Ayon pa kay Mangudadatu, kailangang ipagpatuloy ang information campaign sa mga botante kung paano nga ba tumatakbo ang precinct count optical scan o ang mga voting machines na gagamitin sa halalan.

“I myself tried to spoil my ballot by voting for two candidates for one elective post to test how the machine can detect such a problem. The machine accepted and processed the ballot. There is a need to educate the public on how it works to erase speculations on its efficiency. I'm not saying the machines are defective, or unsafe. Just saying we in Maguindanao wants our people to really understand how they work,” pahayag ni Mangudadatu.

COMELEC

ESMAEL MANGUDADATU

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOV

MANGUDADATU

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

UDTOG TAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with