Negosyanteng Tsinoy patay sa San Juan
MANILA, Philippines – Patay ang isang Filipino-Chinese na negosyante nang barilin kaninang umaga sa lungsod ng San Juan.
Sinabi ng mga pulis na pinatay ng nag-iisang gunman si Kelvin Tan, may ari ng construction company na KT builders, sa kanto ng Ortigas Avenue at Madison Street sa Greenhills.
Ayon kay San Juan City police chief Superintendent Bernard Tambuan, namatay si Tan dahil sa pitong tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-withdraw si Tan ng P800,000 mula sa China Bank at ibinigay ang pera sa bodyguard ng kanyang kaibigan na sakay ng Hyundai Starex na van.
Kakasakay lamang ni Tan mula sa kanyang kotse nang lapitan at pagbabarilin siya ng isang armadong lalaki na nakasuot ng kulay violent na long-sleeved shirt.
Matapos barilin ang biktima, tumawid sa Ortigas Avenue at sumakay sa isang naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.
Away sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa pagpaslang kay Tan.
- Latest
- Trending