Dalawa huli sa droga sa Cotabato

Kilabot na tulak sa Cotabato, tiklo

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang umano'y kilabot na tulak ng droga at ang kanyang kinakasama sa isinagawang operasyon ng mga anti-narcotics agent sa Cotabato City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.

Sinabi ng PDEA na naaresto si Jasmine Tan, 43, at ang kanyang kasama na si Romano Tan, 44, sa buy-bust operation noong Enero 22.

Ayon sa ulat, bandang 2:30 ng hapon naganap ang transaksyon sa pagitan ng undercover agent ng PDEA at ng mga suspek na pumayag magbenta ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may bigat na 0.02 gramo.

kaagad dinakip ang mga suspek Matapos maiabot ang ilegal na droga sa ahente.

Nakuha pa mula sa dalawang suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na tatlong gramo at isa pang pakete ng marijuna.a

Nakakulong na ang mga suspek sa jail facility ng PDEA sa Cotabatoy City.

Show comments