^

Balita Ngayon

'Magsasaka dapat isama sa PhilHealth'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iminungkahi ng isang mambabatas na dapat ay makakuha na rin ng benepisyo ang mga magsasaka sa ilalim ng Philippine Health Care Insurance Corp. (PhilHealth).

Inihayin ni Anakpawis party-list Rep. Rafael V. Mariano ang House Bill 6684 na layong isama ang mga magsasaka sa National Health Insurance Program (NHIP) ng gobyerno sa ilalim ng PhilHealth.

“Under the bill, whether they are permanent, contractual or seasonal, all agricultural workers, regardless of the remuneration they receive from their employers, shall be fully covered provided they have rendered at least six months of continuous work in the landholding in which they render work,” sabi ni Mariano.

Anang mambabatas, naaabuso ang mga magsasaka sa hindi tamang pagbabayad sa kanila at sa hindi pagbibigay sa kanila ng kanilang mga amo ng seguridad sa trabaho.

“Most of them are hired either as contractual or seasonal workers and are deprived of social benefits and do not enjoy any health and medical benefits,” dagdag ni Mariano.

Sabi ni Mariano na sa mga kasalukuyang batas, tanging mga permanenteng trabahador lamang ang may karapatan sa social benefits tulad ng pabahay at health benefits, kahit pa ang mga contractual at seasonal na magsasaka ay nahaharap din naman sa peligrong kinakaharap ng mga permanenteng trabahador.

Sa kaso ng mga permanenteng magasasaka, sinabi ni Mariano na nakakatanggap sila ng mga ulat mula sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), organisasyon ng mga agricultural workers sa bansa, tungkol sa non-remittance of contributions ng mga employer.

“According to reports, contributions for Philhealth, Social Security System (SSS) and Pag-Ibig Fund are deducted from agricultural workers’ salary but are not remitted by their employers to the concerned agencies. As a result, they also do not receive the benefits they are entitled to,” ani Mariano.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga may ari ng lupa o korporasyon na hindi magpapalista sa mga agricultural workers/magsasaka ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P100,000 na hindi lalagpas sa P500,000 para sa bawat manggagawa na hindi naipalista.

“The corporation or landowner is also liable to pay P50,000 to each unenrolled agricultural/farm worker,” sabi ni Mariano.

Sinabi ni Mariano na hindi mahalaga kung gaano na katagal sa trabaho ang isang manggagawa at ang importante ay ang kanilang ginagawa upang umunlad ang agrikultura ng bansa.

HOUSE BILL

MARIANO

NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM

PAG-IBIG FUND

PHILIPPINE HEALTH CARE INSURANCE CORP

RAFAEL V

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with