Kamag-anak ng sekyu humihingi ng tulong sa CA
MANILA, Philippines – Tutungo ng Court of Appeals sa Maynila ang mga kamag-anak ng security guard na inaresto kamakailan dahil sa bintang ng militar na isa siyang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP), ayon sa grupong Karapatan ngayong Biyernes.
Sasamahan ng mga miyembro ng Karapatan at ng mga miyembro ng National Union of People's Lawyers ang mga kamag-anak ni Rolly Panesa sa pagdinig ng writ of habeas corpus ngayong hapon sa CA.
Sina Inspector Bernardino Camus ng Metro Manila District Jail warden ang respondent sa petisyon kasama pa sina Maj. Gen. Alan Luga ng Southern Luzon Command, Maj. Gen. Eduardo Del Rosario ng 2nd Infantry Division, Chief Superintendent James Melad at Police Senior Superintendent Manuel Abu.
Inaresto noong Oktubre 5, 2011 si Panesa, security guard ng Megaforce Security, nang mga tauhan ng pulis at military.
Ayon sa Karapatan, biktima ng "mistaken identity" si Panesa na napagkamalamgn si “Benjamin Mendoza,†isang na mataas na opisyal ng CPP na may patong sa ulo na P5.6 milyon pabuya.
- Latest
- Trending