P200K pabuya sa pagkamatay ng Kabacan vice mayor

 

MANILA, Philippines – Nag-alok na ang lokal na gobyerno ng Kabacan, North Cotabato ngayong Martes ng P200,000 na pabuya kapalit ng anumang impormasyon para sa mabilis na pagkaaresto ng mga suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Policronio Dulay noong Enero 11.

Patungo sa isang department store ang reelectionist na si Dulay nang tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Agad namatay si Dulay dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa katawan. Nagsilbi muna bilang konsehal ng siyam na taon si Dulay bago naging bise-alkalde noong 2007.

Ayon kay Superintendent Leo Ajero, hepe ng Kabacan municipal police, tinitignan na ng mga imbestigador ang posibilidad na may kinalaman sa politika ang pagpatay kay Dulay.

“According to members of his family, he had no known enemies. He was, in fact, known all over the town as a very friendly, respectful political leader, who was easy to get along with,” sabi ni Ajero.

Samantala, sinabi ni Ajero na pinaigting na ng lokal na pulisya ang kampanya laban sa mga residenteng walang takot na nagdadala ng baril sa labas ng kanilang mga bahay.

“We have been conducting surprise inspections of motorists in areas they least expect us to put up checkpoints to hasten the enforcement of the gun ban the Commission on Elections imposed last Jan. 13, which will last until June,” ani Ajero.

Show comments