MANILA, Philippines – Bumaba na sa kanyang pwesto si National Disaster Risk Reduction Management Council executive director Benito Ramoss upang alagaan ang kanyang maysakit na asawa.
Ayon sa mga sources, isinumite ni Ramos ang kanyang resignation letter sa kalihim ng Department of National Defense na si Voltaire Gazmin.
Tinaggap naman ni Gazmin ang resignation ni Ramos na magkakabisa sa Enero 31.
Sabi pa ng mga insider na mayroong diabetes ang asawa ni Ramos na noong nakarang taon pa gusto mag retiro.
Si Ramos ang kauna-unahang NDRRMC executive director na nagbukas ng operation center para sa media.
Bago siya umupo sa kanyang pwesto ay ipinagbabawal ang mga mamamahayag na pumasok sa center. – Dennis Carcamo