MANILA, Philippines – Sinabi ng punong pari ng simbahan ng Quiapo na sinisimulan na nila ang pagtuturo sa mga dumadalo ng misa sa tamang pagpapakita ng pananampalataya matapos nilang mapansin na ang ilang kasanayan ay nagpapakita ng pagiging kulto.
Sinabi ni Monsignor Jose Clemente Ignacio sa isang pagtitipon noong Martes na maraming katolikong deboto ng 17th century na imahe ng Itim na Nazareno ang kailangan ng tamang pormasyon upang maintindihan ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo ng doktrina.
“With proper formation, we hope the devotees could experience more the love of God in their lives and realize their faith in Jesus,†sabi ni Ignacio sa ulat ng CBCP News.
Dagdag ni Ignacio na kailangan intindihin ng publiko ang saloobin ng mga deboto ng Itim na Nazareno pero pinaalaala din nito sa mga deboto na ilagay nila ang kanilang sarili sa tamang perspektibo.
“We have taken baby steps, reorganizing the parish and its ministers, doubling the personnel and prioritizing formation, liturgy and devotions…,†pahayag ni Ignacio, na napansing ang mga deboto ay may iba’t ibang lebel ng pananampalataya mula sa mga bata hanggang matatanda.
Sinubukang makaiusap ng rektor, na inamin na hindi siya purong deboto ng Itim na Nazareno, sa mga deboto na mas ipakita ang debosyon sa tamang pamamaraan.
“Slowly, we have tried to reach out to more mamamasans (devotees pulling the ropes) but we are only ‘scratching the surface,’†sabi ng pari.
Ipinagtanggol din naman ni Ignacio ang mga kritiko ng mga deboto na sinasabing “delusional†ang mga ito at sinabing hindi kasalanan ng mga deboto na kapusin sila sa pagkakataon na maturuan ng tamang pagpapakita ng pananampalataya.
“I hope, before we make easy judgments about devotions, we must first understand why people express their faith the way they do," ani Ignacio.
Dagdag niya na ang magdamagang vigil sa bisperas ng piyesta ay isang paraan nila upang maibahagi ang turo ng simbahan sa mga deboto.