MANIILA, Philippines – Umabot sa 200,000 deboto ang lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong Miyerkules, ayon sa mga pulis.
Ayon sa Manila Police District Tactical Operations Center, daang-daang libo ang sumunod sa prusisyon na nagsimula ng alas-8 ng umaga sa Quirino Grandstand.
Inaasahan na matatapos ang relihiyosong prusisyon ngayon sa simbahan ng Quiapo sa Maynila.
Samantala ayon sa ulat, kaninang alas-9 ng umaga ay umabot na sa 103 katao ang ginamot ng Philippine Red Cross (PRC) kung saan 62 dito ang nagkaroon ng minor injuries.
Dagdag pa ng ulat na isa ang nagtamo ng seryosong pinsala, habang ang isa ay isinugod sa ospital.
Bukod ditto, 10 katao pa ang inasikaso ng PRC dahil hinimatay noong prusisyon.