^

Balita Ngayon

Dagdag diskwento sa mga senior ciitzen isinulong

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Iminungkahi ng isang mambabatas na bigyan pa ng karagdagang diskwento ang mga senior citizen.
 
Sa kanyang panukala, nais ni Senior Citizens party-list Rep. Godofredo Arquiza na mabigyan ng 20 porsyento na diskwento sa lahat ng bibilhin ng mga senior citizen.
 
Kabilang sa mga iminumungkahi sa House Bill 6681 na mapatawan ng 20 porsyento na diskuwento para sa mga senior citizen ang professional license at driver’s license fees, business license at permit fees.
 
Aniya, layunin ng panukala na makilala ang karapatan ng mga nakakatanda alinsunod sa Saligang Batas, kung saan nakasaad na dapat bigyang prayoridad ang pangangailangan ng mga nakakatanda.
 
“Article 15, Section 4 declares that it is the duty of the family to take care of its elderly members while the State may design programs of social security for them,” pahayag ni Arquiza.
 
Sinabi pa ng kinatawan ng mga matatanda na layunin din ng panukalang batas na mabigyan ang matatanda ng suporta sa ikakaayos ng kanilang buhay at kanilang sektor sa lipunan.
 
Sa panukala, inuutusan ang Department of Social Welfare and Development, Department of Finance,  Department of Interior and Local Government na gumawa ng mga palatuntunan at regulation upang maramdaman ang layunin ng panukala.
 
“It is the Supreme Court that shall promulgate the appropriate guidelines in the implementation of this Act in respect of the docket fees,” sabi ni Arquiza.

ARQUIZA

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GODOFREDO ARQUIZA

HOUSE BILL

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with