'Mas mahigpit na batas sa baril kailangan'
January 7, 2013 | 1:33pm
MANILA, Philippines – Kailangan ng mas mahigpit na batas kontra sa mga taong ilegal na nagdadala ng baril, ayon sa isang advocacy group ngayong Lunes dahil na rin sa tumataas na bilang ng mararahas na insidente kaugnay sa paggamit ng baril sa bansa.
Sinabi ni Ang Kapatiran secretary general na si Norman Cabrera, kailangang itaas ng gobyerno ang tagal ng pagkakakulong ng mga mahuhuling ilegal na nagdadala ng baril mula 12 taon hanggang 20 taon.
"Kapag siya ay nahuli, 12 taon ang ang pinakamababang pagkakakulong at madidiscourage siya," sabi ni Cabrera.
Sa ilalim ng Republic Act 8294, ang parusa sa ilegal na pagdadala ng baril ay pagkakakulong ng apat na taon, anim na buwan at isang araw, at multang P15,000 hanggang pagkakakulong ng anim na taon, isang araw hanggang walong taon na may may multang hindi bababa sa P30,000.
Nanawagan sa mas mahigpit na batas kasunod ng pagkamatay ni Stephani Nicole Ella dahil sa ligaw na bala noong bagong taon sa lungsod ng Caloocan at pagkamatay pa ng pitong tao sa walang habas na pamamaril sa Kawit, Cavite noong Biyernes.
Pero sinabi ni gun safety instructor Randy Tayko ng Philippine Practical Shooting Association mas kailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang panghuhuli ng may mga loose firearms. Dagdag niya na tinuturuan nila ang mga may ari ng baril ng tamang pagdadala nito at pagsisiguro na sila lamang ang maaaring gumamit nito.
Base sa pinakabagong tala ng United Nations Office on Drugs and Crime, ang Pilipinas ay may 7, 349 kaso ng homicide dahil sa baril noong 2003 o pitong kaso ng homicide gamit ang baril sa bawat 100,000 katao.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am