Palasyo OK sa pagputol ng 125 puno sa Baguio
January 3, 2013 | 4:48pm
MANILA, Philippines – Piyagan ng Malacañang ang pagputol ng 125 puno mula noong Disyembre upang makumpleto ang Baguio Circumferential Road sa Happy Hallow sa lungsod ng Baguio.
Sinabi ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na mismong si Executive Secretary Paquito Ochoa ang pumayag sa pagputol ng mga puno matapos ibasura ng korte ang reklamo ang mga reklamong isinampa upang hindi matuloy ang proyekto.
Ang mga puputuling puno ay gagamitin sa paggawa ng mga silid-aralan, upuan, at lamesa ng mga mag-aaral sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay CENRO officer Ed Flor, hindi sakop ng log ban na iniutos ni Pangulong Benignog Aquino III ang pagputol ng mga puno para sa mga proyektong pangkalsada.
Halos P80 milyon ang inilaan ng Department of Public Works and Highways para sa pagkumpleto ng circumferential road na inaasahang matatapos ngayong taon.
Layunin ng pagpapagawa nang circumferential road ang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Baguio Central Business District at mabawasan ang oras ng biyahe papunta at patungong Metro Manila.
Sinabi ng lokal na opisina ng DPWH na kapag natapos na ang kalsada ay hindi na kailangan pang dumaan ng mga motorista sa Central Business District.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended