8 tinamaan ng ligaw na bala sa ARMM
January 2, 2013 | 1:20pm
MANILA, Philippines – Walong residente sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang natamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ng direktor ng ARMM Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na si Retired General Loreto Riraao, apat sa mga biktima ay residente ng Sulu, habang ang iba pa ay mula sa magkakaibang bayan ng Lanao del Sur.
“All of them have been treated of the gunshot wounds they sustained,” sabi ni Rirao.
Dagdag niya na tatlong biktima lamang ng paputok, kabilang ang mga bata, ang naitala sa Sulu.
“We have not received any report of fatality so far,” pahayag ni Rirao.
Aniya, ipagpapatuloy nila ang pagmamamanman sa susunod na limang araw sa mga biktima ng paputok sa higit 100 bayan ng ARMM na nasa loob ng limang probinsya ng Maguindanao at Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. John Unson
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended