10 tiklo sa anti-cracker operations sa Maynila
December 31, 2012 | 11:50am
MANILA, Philippines – Sampung tindero sa magkakahiwalay na palengke sa Maynila ang inaresto ng mga pulis dahil sa ilegal na pagtitinda ng mga paputok.
Apat ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa Sampaloc matapos mahulihan ng saku-sakong mga paputok gaya ng El Diablo, Sawa, Juda's Belt, whistle bombs, atomic bomb at victory lights.
Anim pang mga tindero ang arestado sa Tutuban at Carriedo dahil din sa pagtitinda ng paputok nang walang kaukulang permit.
Ayon kay Senior Superintendent Ronald Estilles, director for operations ng Manila Police District, magpapatuloy ang operasyon nila laban sa ilegal na paputok hanggang sa mismong araw ng Bagong Taon.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Chief Superintendent Generoso na lahat ng mga police district offices sa buong bansa ay sinabihan na ng pamunuan na manatiling nakaalerto hanggang sa Bagong Taon.
Ani Cerbo, magpapatuloy ang mas matinding pagmamanman sa mga pampublikong lugar at pamilihan upang maiwasan ang pagkalat ng mga ilegal na paputok.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest