MANILA, Philippines – Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Bicol kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol pitong kilometro hilagang silangan ng Uson, Masbate bandang 9:41 ng gabi.
Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Masbate at bayan ng Uson sa probinsya ng Masbate at San Jacinto sa Ticao Island; Intensity 3 sa Irosin, Sorsogon at Intensity 2 sa Legaspi City.
Inaasahan na magkaroon ng aftershocks dahil sa naturang lindol, anang Phivolcs.
Isa pang lindol ang naitala may 120 kilometro hilagang silangan ng Surigao del Norte bandang 1:10 ng Biyernes ng madaling araw.