Tax evasion case sinagot na ni Corona
MANILA, Philippines – Sinagot ng napatalsik na Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona ngayong Biyernes ang P120 milyon tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kasama ng kanyang asawang si Cristina at abogadong si Anacleto Diaz, humarap si Corona sa Department of Justice at personal na sinagot ang mga paratang sa kanya.
Sa isang panayam, sinabi ni Corona na ang reklamo sa kanya ng BIR ay bahagi ng walang katapusang “double counting” ng magkaparehong account at propaganda ng kasalukuang administrasyon laban sa kanya.
Tumanggi naman si Corona na magbigay ng mensahe para sa Korte Suprema na pinamumunuan na ngayon ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Iniurong ngayong araw ang pagdinig sa DOJ matapos hindi nakadalo si Corona dahil sa trangkaso noong Martes.
Ang naturang kaso ay isinampa ng BIR dahil sa umano'y kabiguan ni Corona na ideklara ang lahat ng kanyang ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong siya ay mahistrado pa.
Idiniin ng Senado si Corona sa impeachment trial tungkol sa parehong kaso noong Mayo.
- Latest
- Trending