Flashflood nanalasa sa Misamis Oriental

MANILA, Philippines – Daan-daang tao ang nawalan ng tahanan matapos araruhin ng rumaragasang flashflood ang kanilang barangay sa Balingoan, Miramis Oriental nitong Martes ng gabi.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, rumagasa ang baha bandang 9:30 ng gabi sa Baranggay Bauk-bauk.

Walang napabalitang nasugatan sa dalawang oras na pagbaha.

Ayon sa NDRRMC, 167 pamilya o 705 katao ang inilikas sa Balingoan Municipal Gym.

Show comments