^

Balita Ngayon

224 bagong pulis kailangan ng NCRPO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangangailangan pa ng 224 na bagong pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matugunan ang supplemental quota para sa taong ito.

Sinabi n Director Leonardo Espina, hepe ng NCRPO, ngayong Miyerkules na ang 100 sa mga kukuhaning pulis ay ilalagay sa NCRPO, habang ang 124 ay ikakalat sa iba’t ibang istasyon sa Luzon.

Iniutos din ng NCRPO ang pagpapagana ng mga ad hoc screening committees na magpuproseso sa sapilitang minimum requirements at iba pang dokumento na ipapasa ng mga aplikante.

"We are looking forward to achieve the ideal police-to-population ratio," sabi ni Espina.

"The additional personnel will be a big help in fielding more police officers in the streets and keep the community safe," dagdag niya.

Sinabi naman ng pinuno ng NCRPO Human Resources na si Senior Superintendent Arthur Felix Asis na base sa kasalukuyang patakaran, ang pangangalap sa mga Police Officer 1 sa PNP ay bukas sa lahat ng kwalipikadong lalaki at babae na Filipino na hindi bababa sa 21 taon at hindi lalagpas sa 30 taon, nagtapos ng bachelor's degree at may kagandahang asal.

Aniya, ang mga kwalipikadong aplikante sa NCRPO at Luzon ay kailangang magtungo ng personal sa Office of the Regional Personnel and Records Management Division, NCRPO Headquarters, Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

Sinabi pa ni Asis na ang mga interisadong aplikante ay kailangang may angkop na kwalipikasyon para sa PO1 mula sa National Police Commission (NAPOLCOM), Professional Regulatory Commission (PRC), o sa Civil Service Commission (CSC).

Ang mga aplikante ay hindi dapat nasipa mula sa militar o nag-AWOL (absence without leave) mula sa serbisyo o natanggal mula sa anumang posisyon sa gobyerno.

Wala rin dapat nakabinbin na mga kaso sa korte at hindi rin maaaring nakulong na ang mga aplikante. Dennis Carcamo

BICUTAN TAGUIG CITY

CAMP BAGONG DIWA

CIVIL SERVICE COMMISSION

DENNIS CARCAMO

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

HUMAN RESOURCES

LUZON

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with