MANILA, Philippines – Patay ang isang mangingisda habang sugatan ang kanyang kasama nang masabugan sila ng dinamita na ginagamit nila habang nangingisda sa karagatan ng Zamboanga City.
Kinilala ni Senior Inspector Noel Lozano, Police Station 3 commander sa Barangay Sangali, ang nasawing si Mabini Jalilon, 43, habang si Sonny Boy Pailuddin ang may seryosong mga sugat.
Sinabi ni Pailuddin na nasa gitna sila ng karagatan ng Baranggay Sangali nang mangyari ang insidente.
Ayon Pailuddin, sumabog ang may sinding dinamita habang hawak ni Jalilon.
Isinugod ang sugatang biktima sa Zamboanga City Medical Center habang ang mga labi naman ni Jalilon ay dinala na sa kanyang pamilya. Roel Pareño