Wala munang Christmas party ang mga pulis ngayong taon
MANILA, Philippines – Wala munang Christmas party ang mga pulis ngayong taon, bilang pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyong Pablo.
Iniutos ni Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome sa lahat ng mga hepe ng pulisya na itigil na ang ginagawa nilang paghahanda para sa Christmas party ngayong taon.
Sa halip na gumastos sa mga Christmas party, mas maige na umano na ibigay na lamang ang pondo para sa mga nasalanta ng bagyo.
Lagpas 700 katao na ang nakukumpirmang nasawi dahil sa bagyo, karamihan sa naturang bilang ay naitala sa mga probinsya ng Davao Oriental at Compostela Valley.
"There are many ways of celebrating this traditional event sans the extravagance and lavish preparations usually associated with Christmas parties," sabi ni Bartolome.
"A mass and a simple get together among personnel over a modest meal serves the same purpose of strengthening the bond of camaraderie and unity that is the real essence of holding a Christmas Party," dagdag niya.
Tiniyak naman ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na matatanggap ng lahat ng mga pulis ang kanilang mga year-end bonus. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending