Escudero una pa rin sa Pulse Asia survey

MANILA, Philippines – Nangunguna pa rin si Senador Francis Escudero sa pinakabaong survey na isinapubliko ng Pulse Asia ngayong Martes.

Base sa survey na isinagawa nitong Nobyembre lamang, nanunga si Escudero sa talang 74 porsyento at sinundan ni Senador Loren Legarda na may 69.3 porsyento.

Ayon sa Pulse Asia, posibleng maglaro lamang sa top two spots ang dalawang senador, habang ang partido pulitikal na United Nationalist Alliance (UNA) at Liberal Party (LP) ay posibleng makakuha ng tig-limang puwesto sa Top 12 sa darating na halalan.

“Virtually all of the probable winners are either former or current members of Congress,” dagdag ng Pulse Asia.

Nasa pangatlong puwesto si Senador Alan Peter Cayetano na sinundan nina San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada, Cagayan Rep. Juan Ponce Enrile, Jr. at dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar.

Malamang din aniya na manalo ang mga kasalukuyang senador na sina Aquilino Pimentel III, Gregorio Honasan at Antionio Trillanes IV.

Ang bagong salta na si Nancy Binay, anak ni Bise Presidente Jejomar Binay, at Aurora rep. Juan Edgardo "Sonny" Angara, anak ni Sen. Edgardo Angara, ang nasa 10th at 11th place habang ang nagbitiw na senador na si Juan Miguel Zubiri ay nakahabol sa pang-13 puwesto.

Isinagawa ang nationwide survey noong Nobyembre 23 hangang 29, gamit ang face-to-face interviews, at base sa 1,200 respondents na kumakatawan sa lahat ng demographic areas.

Show comments