^

Balita Ngayon

Magnitude 5.8 lindol tumama sa Davao Oriental

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginising ng lindol ang ilang parte ng Davao Oriental ngayong Lunes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.8 na lindol sa bayan ng San Isidro ng naturang probinsya bandang 5:45 ng umaga.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Davao City, Mati at San Isidro sa Davao Oriental; Intensity 3 sa General Santos City, Digos City sa bayan ng Manay saDavao Oriental, sa Tagum, Davao Oriental at sa Padada, Davao del Sur.

Ramdam ang lindol sa lakas na Intensity sa Koronadal City sa South Cotabato, Matalam sa North Cotabato, at sa Bislig City.

Anang Phivolcs, hindi nito inaasahan an magkaroon ng aftershocks dahil sa naturang lindol.

Tumama ang lindol sa kalagitnaan ng paghihirap ng mga residente ng Davao Oriental dahil sa pananalasa ng bagyong Pablo sa kanilang lugar.

Mahigit 300 katao na ang nakukumpirma na namatay sa probinsya dahil sa bagyo.

ANANG PHIVOLCS

BISLIG CITY

DAVAO CITY

DAVAO ORIENTAL

DIGOS CITY

GENERAL SANTOS CITY

KORONADAL CITY

NORTH COTABATO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with