^

Balita Ngayon

'Pablo' death toll 647 na, 780 pa nawawala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 647 katao ang bilang ng mga kumpirmadong namatay sa bagyong "Pablo," ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes.

"As of December 10, 20120, 5:00 a.m., 647 were reported dead and 1,482 were injured while 780 are still missing and 109 rescued most of which were from Region 12," sabi ng NDRRMC.

Umabot naman sa P7.116 bilyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian at agrikultura habang 487,364 pamilya o 5.41 milyon katao ang apektado sa 1,928 baranggay sa 30 probinsya.

Nasa 29,390 pamilya pa rin naman ang nasa 172 evactuation centers, karamihan sa mga ito ay nasa Mindanao. Labing-isang tulay at siyam na kalsada ang hindi pa maraanan, 21 bayan at lungsod ang nakakaranas ng problema sa kuryente at anim na lugar pa ang nakakaranas ng problema sa suplay ng tubig.

Sa ulat naman ng Associated Press, 900 katao pa ang nawawala.

Lumaki ang bilang ng mga nawawala matapos maiulat ang hindi matagpuang higit sa 300 mangingisda na pumalaot noong Sabado ng nakaraang linggo sabi ng hepe ng Civil Defense na si Benito Ramos.

"Maybe they are still alive," sabi ni Ramos, patungkol sa mga mangingisdang naglayag mula sa General Santos City kahit may babala na dahil sa bagyong Pablo.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil biktima ng flashfloods sa iba't ibang bahagi ng Mindanao, partikular sa Davao Oriental.

Nasa South China Sea na ang bagyong Pablo, matapos itong bumalik sa bansa noong Sabado na nagdulot ng takot sa mga tao.

Nagdeklara naman si Pangulong Benigno Aquino III ng state of national calamity para sa pagpapalabas ng kaukulang pondo para sa mga matinding nasalanta ng bagyo at upang maisalalim sa pamahalaan ang kontrol sa presyo ng mga pangunahingbilihin sa lahat ng mga apektadong lugar.

Sinabi ng mga opisyal nitong Lunes na 316 katao ang nasawi sa Compostela Valley, kabilang ang 165 sa bayan pa lamang ng New Bataan at 301 sa probinsya ng Davao Oriental. 

Samantala, nagpatupad na ang pulisya sa buong Davao Oriental ng curfew dahil sa napaulat na mga nakawan.

Ayon kay Stephen Antig ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association 18 porsyento ng mga plantasyon ng saging sa Mindanao ang nasalanta ng bagyo.

Ang Pilipinas ang pangatlong pinakamalaking bansa na pinagmumulan ng suplay ng saging sa buong mundo.

Samantala, sinabi nig Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration said ngayong Lunes na wala nang tropical cyclone sa loob ng Philippine area of responsibility.

"The regions of Cagayan Valley and Cordillera and the provinces of Ilocos will have cloudy skies with light rains. Metro Manila and the rest of Luzon will be partly cloudy with brief rainshowers while the rest of the country will have brief rainshowers or thunderstorms," ayon sa PAGASA.

ANG PILIPINAS

AS OF DECEMBER

ASSOCIATED PRESS

BENITO RAMOS

CAGAYAN VALLEY AND CORDILLERA

CIVIL DEFENSE

DAVAO ORIENTAL

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with