^

Balita Ngayon

Leonen hahawak sa kaso ni Arroyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniatas sa bagong upong Associate Justice ng Korte Suprema na si Marvic Leonen ang kasong pandarambong laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng umano'y maanomalyang paggamit sa P336 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napunta kay Leonen ang kaso matapos itong tanggihan ng dalawang more senior justices ng Korte Suprema na sina Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe.

Dating dekano ng University of the Philippines Law school si Leonen bago naging chief negotiator ng gobyerno para sa Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ng Malacañang na itinalaga si Leonen dahil sa kagustuhan ng administrayon na magkaroon ng tunay na reporma sa hudikatura.

Tinanggihan ni Peralta ang kaso dahil sa delicadeza. Sinabi ni Peralta sa mataas na hukuman na ang kanyang bayaw na si Atty. Cornelio Aldon ay ang dating legal counsel ng dating PCSO board of director Raymundo Roquero, na isa sa mga inaakusahan sa maling paggamit ng pondo sa Sandiganbayan.

Naghayin sina Roquero, Arroyo at isa pang akusado na si Nilda Plaras ng mga petisyon upang ipatigil ang pagdinig ng kanilang mga kasong pandarambong sa Sandiganbayan.

Samantala, pinagsama-sama na ng KOrte Suprema ang mga petisyon na inihayin ng mga akusado.

Sa dalawang-pahinang resolusyon noong Nobyembre 20, 2012, iniutos ng hukuman na pagsamahin ang mga kaso nina Plaras, Roquero at Arroyo.

Dating nasa third division ng korte ang kaso ni Plaras at pinasyahan ng en banc na kuhanin ang kaso.

"The Court en banc resolved to: (a) Accept these cases which were referred to the Court en banc by the Third Division in the latter's resolution dated November 14, 2012; and (b) Consolidate these cases with GR No. 203563 (Raymundo T. Roquero vs. Sandiganbayan First Division) and GR Nos. 203740-41 (Gloria Macapagal-Arroyo vs. Ombudsman and Sandiganbayan First Division)," sabi sa resolusyon.

Hindi naghayin ng plea si Arroyo noong binasahan siya ng sakdal sa Sandiganbayan noong Oktubre 29 sa kasong pandarambong.

Kasama ni Arroyo ang ilang opisyal ng PCSO at Commission on Audit na nakasuhan kaugnay ng kuwestyonableng pondo mula 2008 hanggang 2010.

ASSOCIATE JUSTICE

CORNELIO ALDON

DIOSDADO PERALTA

ESTELA PERLAS-BERNABE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KORTE SUPREMA

LEONEN

MARVIC LEONEN

ROQUERO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with