^

Balita Ngayon

Suspek sa pagpatay sa tanod ng Abra tiklo!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na rin ng mga awtoridad ang 29-anyos na suspek sa pagpatay sa isang baranggay tanod ng Dolores, Abra.

Kinilala ang suspek na si Willie Gandalera Bautista na bumaril sa biktimang si Jacinto Velasco kamakalawa habang sila ay nasa isang inuman.

Sinabi ni Abra officer-in-charge Superintendent Clint Bayacsan, nag-iinom noon si Bautista kasama si Velasco nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Sa kainitan ng pagtatalo ng dalawa ay tinaga ni Velasco si Bautista. Gumanti si Bautista at binaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Hindi umabot nang buhay si Velasco sa ospital.

Arestado si Bautista habang nagpapagamot sa Abra Provincial Hospital dahil sa tinamong sugat.

Nahaharap sa kasong muder si Bautista. Artemio Dumlao

ABRA

ABRA PROVINCIAL HOSPITAL

ARESTADO

ARTEMIO DUMLAO

BAUTISTA

GUMANTI

JACINTO VELASCO

KINILALA

SUPERINTENDENT CLINT BAYACSAN

VELASCO

WILLIE GANDALERA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with