Obispo sa mga Muslim: 'Wag iboto ang RH bill candidates
MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang katolikong Obispo sa mga Muslim na huwag suportahan ang mga politiko na nagsusulong upang maipasa sa Kongreso ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.
"Sana maging ang mga hindi Katoliko na naniniwala sa kasagraduhan ng buhay gaya ng mga Muslim ay sana huwag nilang iboto ang mga pulitikong nagsusulong ng RH bill," pahayag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa Radyo Veritas.
Ginawa ito ng Obispo matapos takutin ng ilang politiko ang mga kapwa nila mambabatas sa Catholic vote.
Sinabi ng Obispo na inutusan niya ang kanyang mga kaparian sa nasasakop na diocese upang isulong ang Catholic vote para malaman kung ang Pilipinas ba talaga ay isang katolikong bansa.
"I already told my priests to tell about that Catholic vote. I strongly support that. This is an important issue and this is a very good test whether the Philippines is a Catholic country or not," ani Bastes.
Dagdag niya, inabisuhan niya ang matatapat na parokyano na huwag iboto sa darating na halalan ang mga mambabatas na nagtutulak ng RH bill.
Samantala, isinusulong din ni Honesto Ongtioco, Obispo ng Cubao, na labanan at protektahan ang kabanalan ng buhay at kasal. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending