MANILA, Philippines – Sinabi ng isang women’s right group na walang ginagawa ang administrasyong Aquino upang maaresto si retired Major General Jovito Palparan na nasa likod umano ng pagdukot at panggagahasa sa dalawang babaeng estudyante ng University of the Philippines (UP).
Halos isang taon na mula nang ilabas ng korte ang warrant of arrest para kay Palparan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ng mga kamag-anak ng dalawang mag-aaral ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan ang katarungan.
Ayon kay Bayi Cristina, tagapagsalita ng grupong Tanggol, kailangang ipatupad ang arrest warrant.
"The mothers, their lawyers, the witnesses, and human rights organizations have done their part already in filing these charges, while you (President Aquin) have yet to exercise your responsibility in arresting Palparan,” sabi ni Palabay.
Nanawagan ang grupo kasabay ng pagdiriwang ng International Day to End Violence Against Women.
Binatikos din ni Palabay ang pananahimik ni Aquino sa pamamaslang sa pinuno ng indigenous people’s at anti-mining activist na si Juvy Capion at dalawa niyang anak sa Tampakan, South Cotabato. Buntis si Capion nang paslangin ng hindi pa kilalang mga salarin.
Sinabi naman ng rights group na Karapatan na may 114 biktima na ng extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Aquino mula Hunyo 2010 hanggang Setyembre 30, 2012 at ang 15 rito ay mga babae.
"These laws and treaties are nothing but mere papers if the government does not give an ounce of recognition of the rights violations of its state security forces against women and it fails to give them justice,” ani Palabay. Dennis Carcamo