^

Balita Ngayon

Magsasaka timbog sa buy-bust operation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang 31-anyos na magsasaka sa isang drug buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes.

Nakuha mula sa suspek na si Jose Jumamoy ng Klinan 6, Polomolok, South Cotabato ang 2.5 gramo ng shabu na ibinenta niya sa isang undercover agent ng PDEA.

Ayon kay PDEA chief Arturo Cacdac Jr., inaresto si Jumamoy noong Nobyembre 20 sa Baranggay Magsaysay, Polomolok matapos magbenta ng isang pakete ng shabu na may tinatayang halaga na P20,000.

Nabawi din kay Jumamoy ang dalawang piraso ng P500 bills at 19 na piraso ng P1,000 bills na ginamit bilang marked money sa transaksyon.

Nahaharap si Jumamoy sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dennis Carcamo

ARTURO CACDAC JR.

AYON

BARANGGAY MAGSAYSAY

DENNIS CARCAMO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

JOSE JUMAMOY

JUMAMOY

POLOMOLOK

REPUBLIC ACT

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with