^

Balita Ngayon

Legarda nanawagan ng 'car-free day'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Senador Loren Legarda ang kampanya ng ilang motorista na huwag gumamit ng mga sasakyan sa loob ng isang buong araw sa isang taon upang kahit papaano ay luminis ang hangin.

Ang "Car-Free Day" ay nakapaloob sa Clear Air Month at nakatakdang isagawa sa Nobyembre 25. Suportado ang naturang kampanya ng iba't ibang ahensiya ang gobyerno tulad ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources at ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati.

"It is high time to raise awareness about the effects of burning fossil fuels and the simple solutions we can undertake," pahayag ni Legarda.

Isinusulong din ng namuno sa kampanya na Parnership for Clean Air Inc. ang green public transport system at infrastructures kung saan hinihikayat ang mga mamamayan na maglakad at gumamit ng bisikleta sa mga lungsod.

"Everyone should be made aware that they are responsible for ensuring the quality of the air we breathe. We must ensure that the generations to come will still have access to clean air," ani Legarda. Camille Diola

CAMILLE DIOLA

CAR-FREE DAY

CLEAN AIR INC

CLEAR AIR MONTH

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ISINUSULONG

LEGARDA

MAKATI

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SENADOR LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with