$2-B casino project pinasisiyasat sa Senado
November 19, 2012 | 5:45pm
MANILA, Philippines – Minungkahi ng dalawang senador ngayong Lunes na imbestigahan sa Senado ang diumano’y panunuhol ng $2 bilyon sa casino project sa Manila Bay.
Naghain si Senador Miriam Defensor-Santiago ng Senate Resolution NO. 901, upang utusan ang mataas na kamara na magsagawa ng pagsisiyasat kina dating Philippine Amusement and Gaming Corp. chairman Efraim Genuino at dating Pagcor consultant Rodolfo Soriano sa pagtanggap umano ng suhol para sa proyekto.
Sinabi ni Santiago na dapat magpaliwanag ang dalawang dating opisyales ng Pagcor sa natanggap umanong suhol sa Universal Entertainment Corporation.
”They could be facing up to ten years imprisonment, perpetual disqualification from public office, and confiscation or forfeiture in favor of the Government of any unexplained wealth if found to have violated the Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” sabi ni Santiago.
”The state shall maintain honesty and integrity in the public service and take positive and effective measures against graft and corruption” ayon kay Santiago, na ibinase sa Article 2, Section 27 ng saligang-batas.
Para sa kanyang parte, maghahain din si Sen. Aquilino Pimentel III ng hiwalay na resolusyon upang paimbestigahan ang mga balitang naging “bagman” daw si Soriano para kay Genuino na tumanggap naman ng $5 milyong suhol.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest