^

Balita Ngayon

Warden ng Marikina City jail sibak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tanggal sa pwesto ang warden ng Marikina City jail kasunod ng isang riot sa naturang kulungan na ikinasawi ng isang preso at ikinasugat ng dalawa pa.

Sinipa ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region si Senior Inspector Nicanor Abraham dahil sa insidenteng naganap nitong Linggo ng hapon.

 Pinalitan si Abraham ni Senior Inspector Gregorio Acacio bilang officer-in-charge ng kulungan.

Nagsimula ang kaguluhan nang magsagawa ng protesta ang mga preso sa ika-limang palapag ng city jail. Inirereklamo ng mga preso ang umano'y hindi makatarungang paghihigpit ng pamunuan ng kulungan sa kanilang mga dalaw.

Anila, pinaghuhubad ng mga guwardiya ang kanilang mga bisita bago papasukin sa kulungan.

Sa kainitan ng protesta, nagpaputok ng mga umano'y rubber bullets ang mga jail guards.

Gayunman, namatay ang isa sa mga tinamaang preso dahil sa sugat dulot ng bala mula sa baril. Sugatan ang dalawa pang preso na sina Jayson Malicdin at John Cariño.

Hindi pa batid kung saan nanggaling ang mga balang tumama sa mga preso. Dennis Carcamo

vuukle comment

ANILA

DENNIS CARCAMO

GAYUNMAN

JAYSON MALICDIN

JOHN CARI

MARIKINA CITY

SENIOR INSPECTOR GREGORIO ACACIO

SENIOR INSPECTOR NICANOR ABRAHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with