MANILA, Philippines – Maaring cerebral malaria ang sanhi sa pagkamatay ng 13 residente ng isang baranggay sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.
Ayon kay Moamar Manalao, kapitan ng Baranggay Nalkan, nagreklamo ang muna ang mga biktima ng matinding pananakit ng ulo at matinding paninikip ng tiyan bago sila binawian ng buhay.
Ani Manalao, nakumpirma ng mga health workers mula sa mga blood sample na positibo sa malaria ang may 20 katao pa sa kanyang nasasakupang barangay.
Sinabi rin ni Regional Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., na malaki ang indikasyon na cerebral malaria ang ikinamatay ng 13 biktima.
“We don’t have final conclusions yet based on actual scientific investigations. We have to wait for the report of the team sent to Datu Blah Sinsuat,” sabi ni Sinolinding.
Aniya, bukod sa malaria ay tinamaan na rin ng epidemya ng cholera ang naturang barangay nitong mga nakalipas na taon. John Unson