MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas ang mga produkto ng Nesquik chocolate powder na ginawa dito sa bansa.
"Philippines-FDA wants to inform the public that Nesquik here in the Philippines is safe," pahayag ng hepe ng FDA Kenneth Hartigan-Go sa isang panayam sa radyo.
Dagdag niya na hindi kapareho ng Philippine-made Nesquik ang mga binawing Nesquik products sa Estados Unidos dahil sa malamang na kontaminasyon ng Salmonella.
"We want to make it clear that it is a different product and therefore safe in the Philippines," aniya.
Binawi ng Nestle USA ang ilang produkto ng Nesquik mula sa mga supermarkets dahil sa posibleng nakontamina ang mga ito ng Salmonella.
Sinabi pa na ang mga produkto ng Nesquik na kasama sa pinapabawi ay ang nasa 10.9-, 21.8- at 40.7-ounce canisters na ginawa noong Oktubre.
Samantala, sinabi din ni Go na ang mga produkto ng Nesquik chocolate drink sa US ay nasa metal canisters, habang ang gawa dito sa Pilipinas ay nasa plastic na lalagyanan.