10 pang party-list tanggal sa 2013 polls
MANILA, Philippines – Sampu pang grupo ng party-list ang diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtakbo sa darating na halalan.
Kabilang dito ang Abot-Tanaw at Abroad partylist na nakatakbo na noong halalan 2010.
Kasama rin sa listahan ang:
- Guardian
- Hukbong Kerubin
- Ilaw
- Samahang Ilokanong Magsasaka
- Angat-Ahon Magsasaka
- Good
- Una Edukasyon
- Courage
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang Comelec en banc ay hindi kumbinsido na ang 10 grupo ay kumakaatawan sa mga marginalized sectors ng lipunan.
Inabisuhan naman ni Brillantes ang mga nadiskwalipika na partylist na kaagad umapela sa Korte Suprema.
Mayroong hanggang Enero ng susunod na taon ang mga grupo na makakuha ng paborableng desisyon mujla sa korte o dalawang buwan bago ang pagpapa-imprenta ng balota para sa halalan sa May 2013. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending