Lalaki patay sa bus sa Laguna

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng pampasaherong bus sa Los Baños, Laguna ngayong Lunes.

Ayon kay PO2 Eduardo Cruz, patungong Los Baños ang biktima na kinilalang si Roberto Hernandez, residente ng Pasay City, nang mangyari ang insidente.

Sakay si Hernandez ng motorsiklo at sinubukang unahan ang dyip na nasa harapan niya.

Tumama ang motorsiklo sa dyip kaya kumabig ito pakaliwa na sinalubong naman ang bus ng Greenstar na patungong Maynila.

Nagulungan si Hernandez na kaagad binawian ng buhay. AJ Bolando

Show comments