MANILA, Philippines - Nagpapadala ng medical team ang Department of Health (DOH) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang imbesitgahan ang misteryosong pagkamatay ng mga residente ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao ngayong Lunes.
Sinabi ni ARMM Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na maaring cerebral malaria ang dahilan nang kamatayan ng 13 residente noong nakaraang mga linggo.
“We cannot confirm yet at this early stage, the actual number of people that died there. These are still very raw reports coming in,” ani Sinolinding.
Idinagdag ni Sinolinding na noong nakaraang mga taon ay may naiulat din na mga namatay dahil sa cholera, kaya naman hindi muna sila makapaglabas ng konklusyon hangga’t wala pa ang resulta ng imbestigasyon.
Ayon sa mga lokal na opisyal, karamihan sa mga nasawi ay mula sa baranggay ng Nalkan.
Kumalat ang balita tungkol sa epidemya sa iba’t ibang media outfits dahil sa text messages ng mga residente ng Datu Blah Sinsuat. John Unson