^

Para Malibang

Magpaganda na lang sa bahay

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Panahon na naman ngayon ng avocado.  Avai­lable ito sa mga palengke at supermarket na bukas pa rin kahit pa nga ipinatulad na ng pangulo ang enhanced community quartantine sa buong Luzon. 

Mas mabuti kung mananatili na lang sa bahay at mag-focus sa pagpapatibay ng kalusugan at ma­ging sa pagpapaganda. 

Hindi na nga mabilang ang health benefits ng avocado. Isa na rito ang paggamit ng avocado face mask na isang therapeutic tool na isa pang paraan para ma-promote ang facial health natin. Sagana ang avocados sa omega-3 fatty acids at iba pang antioxidants, tulad ng vitamin A, B, K, and E, na magpapaganda ng health and wellness ng ating kutis. 

Marami rin itong be­neficial minerals at organic compounds na mas magi­ging kapaki-pakinabang kapag inilagay nang direkta sa mukha. 

Maraming paraan para gumawa nito at ilan sa pwedeng isamang sangkap ay ang honey, egg, oatmeal, olive oil, apricot, banana, at yogurt.

Narito ang pinakamadaling recipe para sa simpleng avocado face mask:

Kakailangan ng 1 avocado, 1 egg, 1/2 tablespoon of lemon juice, 1 tablespoon of honey. 

Durugin ang laman ng avocado sa isang lalagyan. Pagkatapos ay isama na ang itlog, lemon juice, at honey. 

Kapag maganda na ang consistency ng mixture ay pwede na itong ilagay sa tuyo at malinis na mukha. Ibabad ito ng 20 minuto at saka banlawan.

Maaari ring paghaluin ang avocado at mayonnaise na mabisang pampadulas at pampalambot ng buhok. Ibabad ito sa buhok ng 20 minutes at saka banlawan. 

BAHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with