^

Para Malibang

Zombie family (383)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAPANGITI siya nang makita sa malapitan ang musuleyom.

“Okay, puwede na ako rito.”

Bubuksan na niya pero ayaw.

“Nakakandado?”

Sinikap mabuksan pero hindi nangyari.

“Teka, ayaw mo, ha?”

Nakakuha siya ng bato. Pinukpok nang pinukpok ang kandado. 

Hanggang sa nainis, nagalit. “Bwisiiit! Kailangan ko ng maganda-magandang matulugan, ‘di puwedeng hindi kita mabubuksan!”

Kumuha pa ng mas malaking bato. Pukpok na naman.

“Ayaw ng hayuuup na ‘to!”

Sobra na ang galit niya. Huli na nang maisip ni Leilani na hindi dapat.

Dahil may pangit na resulta.

At doon nga biglang umigkas na lang ang likuran niya dahil ang mga malalaki at maiitim na pakpak ay muling lumitaw.

At parang binunot ang kanyang dila, napahiyaw sa sakit. “AAAHHHHHHH!”

Iyon pala, humaba nang  bigla, lumawit na ng lampas sa kanyang leeg ito.

At bigla na ring naiba ang kani-kanina lang ay napakakinis na kutis, na­ging pabulok na.

Naglabasan ang mga uod sa mga laman na nauuka. Ang kanyang bibig na halos lusaw na at mga ngipin na nagsisilipan ang mga uod … kung ano siya dati.

Nayanig si Leilani.

Ito ang kinatatakutan niyang mangyari. At nangyari na dahil nagpadala siya sa galit.

“Hindiiiii!”

Ang galit ay naibunton sa pinto ng musoleyom. Ang advantage ng pagbalik ng kanyang pagiging flying zombie ay ang sobra niyang lakas.

Kaya isang hablig lang, nabuksan agad ang pinto ng musoleyom.

Nagtuluy-tuloy pa rin ang galit ng flying zombie. Nagwasak sa loob ng musuleyom.

Hindi niya matanggap na nakakapandiri na naman siya. Lahat na mahawakan sa loob, mga flower vases na may laman pang mga natutuyong bulaklak, mga candle holders na may mga kandilang noon ay natunaw nga­yon ay tuyo na. Bato rito, bato roon. - ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with