Bawal maglibing sa Norway
Isa sa pinakamalamig na lugar na tinirhan ng mga tao sa mundo ay matatagpuan sa Longyearbyen sa Norway. Taong 1950 nang ipagbawal ang paglilibing sa naturang lugar dahil sa pag-aaral na hindi maaagnas ang mga labi ng mga namayapa dahil nga sa sobrang baba ng temperatura.
Katunayan, may running joke pa nga tungkol dito ang mga tagaroon na ilegal ang mamatay sa kanilang lugar dahil kakailanganin pa nilang ibiyahe ang namayapa nilang mga mahal sa buhay.
Mayroon ding batas dito kung saan kinakailangang magdala ng locals ng baril sa tuwing sila ay lalabas para maproteksyonan ang kanilang mga sarili laban sa polar bears.
Ayon sa archipelago of Svalbard, ang unique town na ito ay mayroong 2,100 residente na nagmula sa iba’t ibang bansa.
Maraming factors kung bakit nila piniling tumira rito at isa sa nangungunang dahilan ay dahil sa pagiging peaceful ng lugar. Ilan sa mga aktibidad na paborito nilang gawin dito ay ang kayaking, cross-country skiing, snowmobiling, at biking.
- Latest