Priority na pag-iipon
Karamihan ay may target na makapag-ipon ng pera. Ang iba ay hindi bumibitiw sa priority na mag-save ngayong 2020.
Ang ganitong goals ay hindi nagwo-work out maliban kung paano ay maliwanag muna ang iyong target.
Hindi lamang ito simpleng goal setting dahil nakasanga ito sa ibang bagay.
Tulad ng dapat ay maging specific ang target upang malaman kung paano ito matupad. Hindi lang basta “maraming pera” ang iipunin, sa halip ay mas detalyado hanggang maaari kung 10, 20, 50, 100, 500, o 1K ba ang goals sa loob ng 12 months. Sumunod ay kung measurable ba? Dahil ang data o metrics ay magagamit para ma-evaluate kung nasusunod ba ang iyong goals. Siyempre ang goals ay dapat malapit sa katotohanan. Kayang abutin depende ayon sa iyong skills at abilidad. Ang goal ay kailangan din na mahalaga sa iyo. Upang may drive na gawin ito.
Importante rin ang time frame kung hanggang kailan din ang target date. Kung ito ba ay isang linggo, buwan, o taon para mabilang ang tatakbuhin nang maiipon mong pera.
- Latest