Facial mask at N95
Nagkakaubusan na nang mabibilhan ng face masks at N95 sa mga drug stores maging sa mga tindahan sa Bambang.
Kung makabili man ng ordinaryong mask ay isang gamitan lang na kalaunan na magiging problema na kapag hindi na-dispose nang maayos ay tiyak babara na naman sa mga kanal o estero.
Ang solusyon ay gumawa ng sariling facial mask mula sa pinaglumaang damit. Mas maganda ito dahil puwedeng doblehin para siguradong lapat sa mukha. Puwede rin ang suggestion na i-recyle ang lumang bra. Maaari ring simpleng bumili ng dosenang facial mask na dapat ay noted na personal na gamit lang ng isang tao. Labhan ito para salitan na magamit sa buong linggo.
- Latest