^

Para Malibang

Dalawang Misis sa Langit

Pang-masa

May sakit na colon cancer si mister na stage four na, pero feeling na parang walang sakit dahil lagi siyang pinatatawa ni misis.

Para rin silang laging bagong kasal na nagbibiruan, nagkikilitian, nagkukuwentuhan, at nagsusubuan kahit kapwa 64 years old na ang mag-asawa.

Pasalamat si mister kay misis na nagsisilbing stress reliever ng lalaki. Kahit hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ay tahimik na ninanamnam ng mag-asawa ang bawat sandali ng pagsasama kung hanggang kailan pa itatagal ang buhay ni mister.

Kahit ngayong buhay pa si mister ay pinagpasyahan na nina hubby at wifey na kahit sino ang mauna sa kanilang mamatay ay hindi na sila mag-aasawa muli. Till death do as part gaya ng kanilang pangako sa kanilang pagsasama hanggang sa magkita silang muli sa kabilang buhay.

Katuwiran ni mister, kung nagkataon na nauna siyang maging balo at nag-asawa muli, sakaling pagdating niya ng langit na ang eksena na kapag  tatanungin siya kung sino ang kanyang misis ay tiyak na ipakikila niya ang kanyang maybahay, pero paniguradong aangal din ang pangalawang misis nito.

Katuwiran ni mister na ayaw naman niyang sa langit pa ay mag-away ang dalawa niyang asawa. Ganundin naman kung sakaling mag-asawa muli ang kanyang misis ay magkagayon din ang drama sa langit.

 Feeling Richard Gomez at Dawn Zulueta ang mag-asawa sa pelikulang Hihintayin Kita sa Langit ang drama ng dalawang couple.

vuukle comment

COLON CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with