Naniniwala ka ba sa suwerte o malas?
“Bilang Christian ay hindi na ako naniniwala sa suwerte o malas. Kundi lahat ng nangyayari ay nakatakda maging good or bad.” - Merlyn, Baguio
“Ewan ko lang talaga kapag hindi ka ba naman naniwala sa malas. Kapag puro talaga masasaklap ang nangyayari sa iyo ‘di ba!” - Melai, Batangas
“Depende, talaga naman suwerte-suwerte lang ang buhay. Puwede rin hindi mo pa time, kaya kailangang positibo na gaganda rin ang buhay.” - Badette, Rizal
“Hindi puwedeng iasa lang ang lahat ng bagay sa suwerte. Bagkus kailangang kumilos na magsipag at magbanat ng buto. Malasin man ang mga hindi inaasahan ay marami ka pa ring alas na puwedeng hugutin.” - Lorz, Makati
“Ang buhay ay nakasalalay kung ano ang itinatamin mo. Huwag agad sumuko o maniwala sa suwerte o malas. Dahil kahit anong mangyari ay magbubunga rin ang pagtitiis ng kabutihan at sipag sa lahat ng bagay na pinaghirapan mo sa awa ng Diyos.”
- Latest